Mga kababayan kung may pakialam sa bayan! Heto ako sa harapan niyo ngayon upang maglabas ng aking opinyon tungkol sa korapsyon ng ating bansa. Isa lamang akong isang estudyante na nangangarap na magiging mabuti ang lagay ng aking bayan pagdating ng panahon.
Ako, ako, ako ang piliin niyo wag kayong maniwala sa iba, Juan ang tunay na mahirap, Kayo ang boss ko, Inday ang tunay na mahirap, at marami pang mga salitang hanggang salita lang. Ngayon malapit na ang eleksiyon magsisilabasan na naman ang mga sinungaling at ito na naman tayo para magpa-uto, at ito pa pupunta sa ating mga barangay para mangako ng mangako at pag naka-upo na ayon ni anino wala kang makikita. Korapsyon, walang duda isa sa mga pinakamalakingt problema na kailangan ng mataas na proseso para masugpo. Sa katunayan, sa realidad ng pulitika sa Pilipinas, isa itong napakalaking problema. Korapsyon, gaano na ba ito kalala? Maituturing ba itong sakit ng lipunan o distraksyon sa mga mamamayan? At paano ito matutuldukan?
Aalisin ko ang KORAPSYON! Isa yan sa madalas nating mapakinggan ngayong panahaon ng kampanya. Madami ang nagsasabi at nangangako na susugpuin nila ang korapsyon kapag sila ay nahalal sa puwesto. Pero walang nangyayari, mabuti na na magpapakatotoo. Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Halos maging synonyomous na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.” Paano nga ba natin mababago ang sistemang ito? Marami na ang nagtangkang sugpuin ang korupsyon. Mayroon pa ngang PCGG (Presidential Comission on Good Governance). Marami na rin ang kilusan at mga NGO na nagsisilbing watchdog against corruption. Pero bakit buhay at andiyan pa rin sa sistema ang korapsyon?Sa aking opinyon, ang korapsyon kasi ay wala sa macro level, ito ay nasa micro level. Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito.Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form ng corruption. Puwede kang maniwala, puwedeng hindi.Ano ang punto ko? Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.Pero may problema. Ang tao kasi ay may “kalayaan” at mayroon siyang pinapangalagaang personal at pansariling interes.Kaya diyan papasok ang elemento ng sakripisyo at pagbibigay para sa mas ikabubuti ng marami. Iyan, sa aking opinyon, ang tunay na kahulugan ng demokrasya.